𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗔𝗚𝗔𝗗 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨

Iniutos ng agaran ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang pagpapaabot ng tulong para sa mga nasunugan sa kanilang bayan.

Kamakailan, tinatayang nasa sampung kabahayan ang tinupok ng apoy sa P. Moran West St., Barangay Poblacion, at maging sa Jacoba St., noong ika-12 ng Pebrero ng hapon.

Bagamat nasunugan ay wala namang naitalang nasugatan o nagtamo ng matinding pinsala, ngunit 47 indibidwal ang nawalan ng matutuluyan pati na rin ang kanilang mga natupok na naipundar na mga kagamitan.

Samantala, iniutos ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang masusing imbestigasyon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen upang masigurong walang maiiwan sa mga natupok na kabahayan para sa kaligtasan ng bawat isa.

Binuksan naman ang pintuan ng Lingayen Evacuation Center, kung saan pansamantalang tutuloy ang mga nasunugan, nakaantabay din ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office upang alalayan ang mga lumikas.

Ipagkakaloob na rin ng lokal na pamahalaan ang kanilang mga makakain, damit at magagamit sa kanilang pansamantalang pamamalagi sa evacuation area. Pinoproseso na rin ng MSWDO ang kanilang mga financial assistance at tinawag na rin ito sa tanggapan ng DSWD para sa mga karagdagang tulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments