𝗩𝗨𝗟𝗖𝗔𝗡𝗜𝗭𝗘𝗥 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗖𝗛𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang kwarenta y dos anyos na vulcanizer matapos itong mahulian ng walong sachet ng hinihinalang shabu sa implementasyon ng search warrant sa tahanan nito sa bayan ng San Jacinto.

Ang suspek ay nakilalang Reyam Llena Residente ng Barangay Macayug sa nasabing bayan.

Ikinasa ang search warrant implementation sa tahanan nito pasado alas sais ng umaga sa bahay nito na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng walong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.4 grams na nagkakahalaga ng ₱9,500.00.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments