Tuesday, January 20, 2026

𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗬 𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗗𝗥𝗨𝗚𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗜 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Arestado ang isang lalaking kilalang tulak ng illegal drugs sa bayan ng Bani matapos ang isinagawang buy bust operation.

Ang suspek ay nakilalang si Robert Tanopo residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas sais ng umaga na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .36 grams at nagkakahalaga ng mahigit dalawang libong piso

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek na Isa din sa mga kabilang sa street level individual sa usapin ng illegal drugs sa nasabing bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments