𝗜𝗦𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗠𝗕𝗢𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Sawi sa isang insidente ang isang lalaki matapos masagi ng rumaragasang SUV ang minamaneho nitong tricycle at masalpok sa kasalubong na motorsiklo.

Batay sa kuha ng cctv, nagmamaniobra umano ang isang delivery truck sa may gilid ng kalsada, habang paparating naman ang tricycle sa kaparehong linya, nang bigla na lang dire-diretsong mag overtake ang SUV, kung saan nagsalpukan ang mga sasakyan.

Samantala, nagtamo naman ng mga sugat ang driver ng kabanggaang motor, habang ang sasakyan nito ay sinasabing halos mawasak sa lakas ng impact ng bungguan.

Ang biktima ay kinilalang si Julius De Nieva, residente ng Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City.

Sa ngayon, nahaharap sa karampatang kaso ang driver ng SUV na naunang tumakas ngunit natunton din kalaunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments