Monday, February 23, 2026

𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗕𝗨𝗦𝗧𝗘𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢 𝗡𝗔𝗜𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 ₱𝟮𝟭 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡

Cauayan City – Unang edisyon ng nobelang El Filibusterismo ng pambansang bayani na si Jose Rizal ang naibenta sa halagang ₱21 milyon sa isang auction, na ngayo’y itinuturing na pinakamahal na librong naibenta sa bansa.

Ang naturang kopya ay pirmado mismo ni Rizal at may espesyal na dedikasyon para sa kanyang kaibigan na si Trinidad H. Pardo de Tavera, isang kilalang iskolar at manunulat noong panahon ng kolonyalismong Espanyol.

Isinagawa ang bentahan sa Asian Cultural Council Auction 2026, kung saan tampok ang mahahalagang likhang-sining at makasaysayang koleksiyon.

Ayon sa Leon Gallery, na nagbahagi ng larawan ng aklat, itinuturing ang nasabing kopya bilang isa sa pinakamahahalagang piraso ng panitikang Pilipino dahil sa pambihirang kondisyon at personal na pirma ng may-akda.

Ang El Filibusterismo, na karugtong ng Noli Me Tangere, ay isa sa mga akdang nagmulat sa kamalayan ng mga Pilipino laban sa pang-aabuso noong panahon ng Kastila.

Sa makasaysayang Auction ay muling pinagtibay ang mataas na pagpapahalaga sa pamana ni Rizal at sa yaman ng panitikang Pilipino.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments