𝗨𝗡𝗔 𝗞𝗔 𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗛𝗔𝗟𝗟 𝗢𝗡 𝗪𝗛𝗘𝗘𝗟𝗦, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

 

Cauayan City – Matagumpay na naisagawa ang Una ka Dito City Hall on Wheels na ginanap sa Barangay Concepcion Community Center nitong Sabado ika-2 ng Marso taong kasalukuyan.

Nakilahok sa naturang programa ang iba’t ibang barangay tulad ng De Vera, Rogus, Sta. Maria, Villa Concepcion, Villa Flor.

Nagbigay rin ng libreng serbisyo ang gobyerno para sa mga residente katulad na lamang ng libreng gamot, medical and dental check-up, libreng legal services, libreng estimation of property value, Scholarship assistance, mayroon ding social welfare assistance, at City IDs assistance at marami pang iba.


Upang ma-avail ang mga serbisyo, kinakailangan magdala ng; Cauayan City ID, o kahit anong uri ng government-issued id.

Para naman sa city ID application, magdala ng CEDULA, barangay clearance, barangay indigency form, Medical abstract naman ang kailangan para sa financial assistance at medical services, at Medical doctor’s prescription naman para naman sa medical provision.

Muling magkakaroon ng Una ka Dito Barangay Caravan sa ika-siyam ng Marso sa Marabulig 1, Marabulig 2, Minante I, Minante II, at Nagrumbuan.

Facebook Comments