Tinalakay sa bayan ng mangaldan ang usapin ukol sa basura, sa ginanap na pagtitipon ng liga ng mga barangay sa bayan ng mangaldan.
Sa pangunguna ni LNB President, Councilor Florida G. Abalos, inimbitahan nila ang mga punong barangay sa nasabing bayan bilang parte na rin ng kanilang monthly regular meetin.
Ayon sa tagapagsalita ng nasabing kaganapan na si Pedrito Rivera, Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO), kailangan magkaroon ng kaalaman ang bawat lider ng mga barangay ukol sa mga kailangang gawin upang masolusyunan ang mga umiiral na problema ukol sa mga basura.
Inaasahan naman ng MENRO, na maisaprayuridad ng mga barangay ang pagpapatupad ng epektibong waste management plan.
Nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan ukol sa mga batas na umiiral ukol dito, tulad ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000, na naisalokal sa pamamagitan ng Mangaldan Transfer Facility Garbage Fee Municipal Ordinance of 2018. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨