𝗨𝗦 𝗙𝗘𝗗𝗘𝗥𝗔𝗟, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗪𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗘𝗦𝗧 𝗡𝗔 𝟬.𝟮𝟱%

CAUAYAN CITY – Ipinagpatuloy ng US Federal Reserve ang pagbabawas ng interest rate ng 0.25% kahit sa kabila ng pagkapanalo ni Donald Trump sa eleksyon.

Mula sa dating 4.75% hanggang 5%, ang bagong rate ay bumaba na sa pagitan ng 4.50% at 4.75%, ayon sa pahayag ng US Fed.

Ayon kay US Fed Jerome Powell, hindi siya magbibitiw kahit hilingin pa ng bagong administrasyon, at idinagdag na bawal din sa batas ang basta-bastang pagpapatalsik sa mga leader ng US Fed.


Inaasaang makakatulong ang desisyon na ito sa pagpapababa ng gastos sa mga pautang.

Gayunpaman, ang epekto ng panalong ito sa ekonomiya sa hinaharap ay patuloy na babantayan ng mga pamilihan at maaaring makaimpluwensya sa mga susunod na hakbang ng Federal upang kontrolin ang inflation.

Facebook Comments