
Cauayan City – Epektibo ang isinasagawang satellite registration ng COMELEC Cauayan upang mas mapadami pa ang bilang ng mga rehistradong botante sa lungsod.
Sa panayam ng IFM News Team kay Atty. Johanna Vallejo, Election Officer ng COMELEC Cauayan, sinabi nito na sa pinakabagong datos ng kanilang opisina ay nasa 91,575 ang bilang ng mga registered voters sa lungsod.
Aniya, nabawasan ang bilang ng registered voters sa lungsod matapos ang nakaraang eleksyon kung saan nasa 5,000 na botante ang natanggal sa listahan ng active voters.
Gayunpaman, simula nang kanilang ilunsad ang Satellite Registration sa mga paaralan sa Barangay, nakapagtala na sila ng 2,171 new registered and reactivated voters sa lungsod.
Ayon kay Atty. Vallejo, malaking tulong ang paglapit ng kanilang serbisyo sa mamamayan dahil mas napapadali ang proseso ng pagrehistro ng mga residente lalo na ang mga hirap at walang kakayahang magtungo sa kanilang opisina.
(INSERT INTERVIEW ATTY. JOHANNA VALLEJO 1)
Hinihikayat rin nito ang mga Cauayeño na hindi pa rehistrado na magparehistro na upang magamit ang kanilang karapatan sa pagboto lalo na ngayong paparating na eleksyon.
(INSERT INTERVIEW ATTY. JOHANNA VALLEJO 2)
Ito ang pahayag ni COMELEC Cauayan City Election Officer Atty. Johanna Vallejo.










