𝗭𝗘𝗥𝗢 𝗦𝗧𝗥𝗔𝗬 𝗕𝗨𝗟𝗟𝗘𝗧, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡; 𝗙𝗜𝗥𝗘𝗖𝗥𝗔𝗖𝗞𝗘𝗥 𝗜𝗡𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔

‎Cauayan City – Ligtas at mapayapa ang pagsalubong ng Bagong Taon sa Lambak ng Cagayan, ayon sa ulat ng Police Regional Office 2 (PRO2), na nagtala ng zero stray bullet at 50% decrease sa insidente ng paputok kumpara noong nakaraang taon.
‎Ayon sa kapulisan, nakamit ito sa pamamagitan ng mahigpit na operasyon laban sa ilegal na paputok, checkpoints, at tuloy-tuloy na paalala sa publiko hinggil sa ligtas na pagdiriwang. Nakaapekto rin ang mga pagkumpiska ng ipinagbabawal na paputok at pag-aresto sa ilang lumabag sa batas.
‎Pinuri ni PBGEN Antonio P. Marallag Jr. ang kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan at mamamayan, at ang mga kampanya sa social media at komunidad na nagpaalala sa panganib ng paputok at paggamit ng baril.
‎Ayon sa PRO2, ang zero stray bullet ay patunay ng mas mataas na disiplina at kamalayan ng publiko. Nanawagan ang kapulisan na ipagpatuloy ang ligtas na pagdiriwang sa lahat ng okasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.
‎Source: PRO 2
————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments