𝟑 𝐌𝐈𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐂𝐓𝐆, 𝟖 𝐀𝐍𝐀𝐊𝐏𝐀𝐖𝐈𝐒, 𝐀𝐓 𝟐 𝐌𝐈𝐋𝐈𝐓𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍, 𝐊𝐔𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐌𝐔𝐊𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐖𝐓𝐎𝐑𝐈𝐃𝐀𝐃

Tatlong mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG), walong Anakpawis, at dalawang militiang bayan mula sa lalawigan ng Cagayan ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad kahapon, Setyembre 8, 2022.

Ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group ay kinilala na sina alyas Tonyo na nagsilbing yunit guerilla ng naturang grupo; si alyas Dominador na nagsilbing “supply officer” ng kilusan at alyas Hernando na nag sanay naman sa pagpapalakas, at tamang paghawak ng “rifles” sa mga kasamahan.

Isinuko rin nina alyas Tonyo at Dominador ang kanilang armas na .38 revolver na may mga bala.

Samantala, ang walong miyembro naman ng Anakpawis ay sina alyas Carlota, alyas Emilio, alyas Jong, alyas Totoy, alyas Berting, alyas Senyang, alyas Melinda at alyas Saning.

Ang dalawa (2) namang miyembro ng Militiang Bayan na napasuko ay kinilalang sina alyas Luarence at alyas Paulo, na nagsilbing mga “courier” ng mga pagkain at kagamitan ng grupo.

Ayon sa mga sumukong rebelde at supporters, sila ay napasapi sa makakaliwang pangkat dahil sa panlilinlang ng mga ito.

Pinangakuan sila na tutulungang makaahon sa hirap, ilalapit ang mga suliranin sa ahensiya ng pamahalaan, pag-aaralin, bibigyan ng lupang sasakahin, at kung anu-ano pang panlilinlang ngunit ni isa sa mga ito ay hindi natupad.

Hinikayat naman ni PCOL Julio Gorospe Jr., OIC, CPPO ang iba pang mga naligaw ng landas at sumapi sa teroristang grupo na hindi pa huli ang lahat para magbagong buhay.

Aniya, nag-aantay lamang ang kapulisan sa kusang pagsuko ng mga natitirang miyembro ng rebeldeng grupo.

Facebook Comments