𝟭𝟭 𝗕𝗔𝗞𝗔, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗗𝗨𝗠𝗜𝗡𝗜𝗧

CAUAYAN CITY- Nanlulumo ang ilang may-ari ng baka at kalabaw matapos mapag-alamang nalunod ang mga ito sa pagbaha ng Cagayan River sa Brgy. Duminit, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Dante Dela Peña, nasa labing isang baka at isang kalabaw ang nalunod sa kanilang barangay.

Aniya, bahagyang naging kampante umano ang mga residente na hindi maaabot ng tubig ang kanilang mga alagang baka.


Nasa anim na katao naman ang nagmamay-ari sa mga hayop na ito kung saan kanilang itinali malapit sa ilog ang mga ito.

Sa kasalukuyan, puspusan ang paghahanap sa dalawa pang baka na nawawala habang kinatay na ang walong baka at isang kalabaw.

Facebook Comments