CAUAYAN CITY- Walang ang kaluluwa kung ilarawan ang suspek sa likod ng karumal-dumal na pamamaslang sa isang 13-anyos na dalagita sa Purok 1, Palac Road, Buenavista, Santiago City.
Natagpuan ang bangkay ng menor de edad sa masukal na bahagi ng daanan kung saan nakitang basag ang bungo nito at wala ring saplot pang-ibaba.
Una rito, inutusan umano ng tiyahin ng biktima na bumili ito ng sabon dakong alas-diyes ng umaga nito lamang sabado.
Ngunit, nagtaka ito nang ilang oras na ay hindi pa rin nakakabalik ang biktima.
Kaagad nitong hinanap at sa nabanggit na lugar natagpuan ang nakahandusay at duguang katawan ng kanyang pamangkin.
Sa panayam ng IFM News Team kay City Director ng Santiago City Police Office na si PCol Lucio Simangan Jr., nasa kustodiya na nila ang suspek sa krimen at inihahanda na ang kasong rape and homicide na isasampa laban sa kanya.