𝟭𝟯 𝗔𝗦𝗣𝗜𝗥𝗔𝗡𝗧𝗦, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗖 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Nakapagtala ang Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan ng labing tatlong indibidwal kahapon na naghain ng kanilang kandidatura sa ikalawang araw ng certificate of candidacy filing.

Maagang naghain ng kanilang kandidatura sa pagkabokal sina 2nd District Board Member Atty. Heidee Pacheco, 4th District Board Member Jerry Rosario, Board Member Marinor De Guzman, Rebecca M. Saldivar, 3rd District Board Member Sheila Baniqued, 3rd District Board Member Vici Ventanilla, 1st District Napoleon Fontelera Jr., at 1st District Apolonia Bacay.

Magkasabay rin na naghain ng COC sina re-electionist Pangasinan Governor Ramon Guico III at Vice Governor Mark Lambino.

Isinumite na rin ni 1st District Congressman Arthur Celeste at 6th District Marlyn Primicias Agabas ang kanilang COC na pawang re-electionist.

Samantala, ayon sa PNP Dagupan peaceful o mapayapa ang una at ikalawang araw ng coc filing dahil walang naitalang untoward incident. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments