Magkasamang dumating sa Commission on Elections (COMELEC) Provincial Office, Dagupan City People’s Astrodome si Pangasinan Governor Ramon Guico III at Vice Governor Mark Lambino kahapon na nagfile ng kani-kanilang certificate of candidacy para sa susunod na halalan.
Nasa ikalawang termino na si Governor Guico na makakatunggaling muli si dating Governor Amado Espino III.
Ayon kay Guico, nais nitong ipagpatuloy ang magagandang programa at proyekto na kaniyang nasimulan kasama ang Alyansang Aguila tulad na lamang ng pagtatatag ng Pangasinan Link Expressway(PLex) , corporate farming, salt center, Pangasinan Polytechnic College, karagdagang hospital, trabaho at pagpapa angat sa turismo.
Re-electionist rin ang kaniyang running mate na si Vice Governor Mark Lambino para sa kaniyang ikatlo at huling termino.
Ipinagmalaki nito ang pagkakaroon ng mga ordinansa na hindi panandalian na kinakailangang palitan sa loob ng kada tatlong taon gaya na lamang nang naisakatuparan na Pangasinan Polytechnic College na siyang principal author at sponsor.
Makakalaban ni Lambino sa pagkabise gobernador si Dating Dasol Mayor Noel Nacar na running mate ni Espino.
Inihain ni Guico at Lambino ang kanilang kandidatura sa suporta ng kanilang may bahay at kapartido.
Kumpiyansa si Governor Guico na ito ay mananalo kasama ang buong alyansang aguila dahil konkreto ang kanilang mga plano at proyektong inilalatag para sa Lalawigan ng Pangasinan.
Samantala, ano mang araw ngayon ay inaasahan na maghahain rin ng kandidatura ang buong partido ni Former Governor Amado I. Espino III. |πππ’π£ππ¬π¨