Batay sa report ng Police Regional Office 1, noong araw ng biyernes, ika-5 ng Hulyo, ang San Juan Municipal Police Station ay nakatanggap ng isang transparent plastic pack na may lamang shabu na aabot sa 996. 43 na gramo na nagkakahalaga ng PhP6,775,724.00.
Sa parehas na araw ang Caoayan Municipal Police Station ay nakatanggap ng isang sealed-aqua Chinese tea pack na naglalaman naman ng 998. 82 na gramo na may halagang 6, 791, 976.00.
Ang pagkakadiskubre ng mga shabu ay dahil umano sa kooperasyon ng mga residente sa nabanggit na bayan.
Matatandaan na bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Ilocos Sur Provincial Office na nagsisiyasat sa mga nasabat na shabu na may Chinese markings.
Nagpapatuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng pulisya sa iba pang coastal areas sa rehiyon upang mapigilan ang iligal na gawain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨