𝟭𝟯 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗘𝗣𝗧𝗢𝗦𝗣𝗜𝗥𝗢𝗦𝗜𝗦

Pumalo na sa 13 ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit na leptospirosis sa Ilocos Region ngayong taon ayon sa Department of Health Region 1.

Ayon sa Center for Health Development Region 1, mula Enero hanggang Agosto nakapagtala ito ng 98 kaso ng leptospirosis.

Ayon sa ahensya, inaasahan na tataas pa ang kaso dahil sa pag-uulw na nararanasan na nagdudulot ng pagbaha..

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, tagapagsalita ng ahensya na nakatutok ang mga ito sa pagpalo pa ng kaso ng sakit.

Nakahanda umano ang mga special treatment lanes sa mga ospital sa rehiyon.

Paalala pa ng tanggapan na kung sakaling makaramdam ng sintomas ng leptospirosis, tulad ng lagnat, pagsakit ng muscle, pagsakit ng ulo, pamumula ng mata, sakit sa tiyan, o mga paltos sa balat ay sumangguni na agad sa pinakamalapit na health center gayundin ay iwasan na gamutin ito sa bahay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments