𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬

Matagumpay na dinaluhan ng mga delegado mula sa apat na probinsya ng rehiyon uno ang inorganisang awarding ceremony ng National Nutrition Council Region 1 na kumikilala sa mga natatanging kampeon ng nutrisyon. Present ang ilang punong ehekutibo kasama ang kanilang mga city at municipal health officials gayundin ang iba’t ibang kinatawan mula sa publiko at pribadong mga ahensya na nominado at recipients ng mga parangal.
Naging panauhing pandangal sa nasabing okasyon si Department of Health Assistant Secretary at NNC Executive Director IV Dr. Azucena Dayanghirang kung saan pinasalamatan at binati nito ang mga awardees at binigyang diin ang kahalagahan ng pagbibigay ng bawat LGUs at indibidwal sa pagsusulong ng nutrisyon sa kanikanilang lugar. Nanawagan din si Dayanghirang ng patuloy na suporta sa mga nutrition programs ng pamahalaan na pinangangasiwaan ng NNC.
Samantala, malugod namang ibinalita ni NNC 1 OIC Nutrition Program Coordinator Kendall Gatan ang pagtaas ng mga local government units na sumali sa kanilang taunang nutrition evaluation gamit ang updated MELLPI pro tool. Katuwang ang Regional Nutrition Evaluation Team at Provincial Nutrition Committees na sumusuri sa pag-comply ng mga LGUs sa existing na mga batas, polisiya, at programang pang nutrisyon na naaayon sa Philippine Plan of Action for Nutrition.

Tumaas sa labing anim ang nutrition awardees ngayon taon kumpara sa lima lamang noong nakaraang. Ilan sa mga pagkilalang ibinigay ay ang 2022 Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar na nakuha ni Glen Gabayan ng Candon City, 2022 Local Nutrition Action Officer of the Year na si Venus Bueno ng Bayambang, at ang lungsod ng Urdaneta na nakuha ang pagiging Consistent Outstanding Winner on Nutrition.
Umaasa naman ang pamunuan ng NNC Region 1 na magiging awardee ng Green Banner Seal of Compliance ang higit isang daang LGUs sa rehiyon una sa darating na mga taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments