𝟮𝟲 𝗔𝗦𝗣𝗜𝗥𝗔𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔

Nasa dalawampu’t-anim na mga aspirante sa lungsod ng Dagupan ang nakapaghain ng kandidatura para sa midterm elections sa darating na May 2025.

Magkakatunggali para sa pagka alkalde si incumbent Mayor Belen Fernandez at incumbent councilor Manang Celia Lim habang si incumbent Vice-Mayor Brian Kua at Former Mayor Brian Lim naman sa pagkabise-alkalde.

Nasa dalawampu ang naghain para sa pagkakonsehal kung saan dalawa rito ang tumatakbo bilang independent candidate.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Dagupan COMELEC Election Supervisor Atty. Michael Frank Sarmiento, naging matiwasay at walang naitalang untoward incident kaugnay sa COC filing. Samantala, magiging abala na rin ang pamunuan ng COMELEC para sa mga susunod na nakalinyang aktibidad alinsunod pa rin sa magaganap na eleksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments