
โCauayan City โ Naaresto ng kapulisan ng Ilagan City ang dalawang indibidwal na sangkot sa ilegal na droga kahapon, February 7, 2026.
โ
โUnang naaresto si alyas โNico,โ 42-anyos, residente ng Barangay Guinatan, matapos ipatupad ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
โ
โAng nasabing warrant, na may petsang Enero 15, 2026, ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 17, Ilagan City, at walang inirekomendang piyansa.
โ
โKasunod nito, nahuli rin si alyas โBenny,โ 27-anyos, isang driver mula sa Barangay San Isidro, Ilagan City, Isabela.
โ
โSiya ay nahaharap din sa parehong kaso, ayon sa Bench Warrant of Arrest na may petsang Disyembre 16, 2025.
โ
Wala ring piyansa para sa paglabag sa Seksyon 5 ng RA 9165, habang Php200,000 ang inirekomenda para sa paglabag sa Seksyon 11.
โ
โAyon sa pulisya, ang operasyon ay bahagi ng kampanya ng Philippine National Police upang palakasin ang laban kontra ilegal na droga at siguruhing ligtas at drug-free ang komunidad sa Lungsod ng Ilagan.
โ
โSource: PNP ISABELA
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










