
Cauayan City – Isang 30-anyos na ginang ang natagpuang wala ng buhay sa loob ng kanyang kuwarto sa Bana Uy Street, Brgy. District 1, Cauayan City.
Ayon sa ulat mula sa Cauayan City Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa natagpuang katawan Ng biktima na umano’y wala ng buhay.
Lumalabas sa imebestigasyon na mismong menor-de-edad na anak ng biktimang si “Jona”, 30-anyos, ang nakadiskubre sa walang malay nitong ina at nakitang may nakapulupot na live wire sa kanyang braso kaya naman agad itong humingi ng saklolo sa kanilang kapitbahay.
Sa pagrespunde ng kapulisan sa lugar, nadatnan nga rito ang ginang na nakahandusay sa kama at hindi na humihinga. Dinala pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong wala ng buhay ng sumuring doktor.
Samantala, ibinahagi naman ng kapatid ng nasawi na mayroon umanong sakit sa puso ang biktimang si Jona.
Naniniwala rin ang mga ito na walang nangyaring foul play sa pagkasawi ng kanilang kaanak.
———————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










