Nasa tatlumpu’t-isang mga aspirants sa lalawigan ng Pangasinan ang nakapaghain na ng kanilang Certificate of Candidacy simula nang mag-umpisa ang COC filing noong October 1.
Nasa dalawampu na naghain para sa posisyon ng Board Member habang mayroong pito naman na kumakandidato para sa House of Representatives.
Nauna nang naghain ng kandidatura sina re-electionist Pangasinan Gov. Guico III at Vice Gov. Mark Lambino para sa nasabing posisyon, maging ang former Governor na si Amado Espino III, at Dating Dasol Mayor Noel Nacar.
Inaasahan ng COMELEC Pangasinan na dadagsain pa ang COC filing sa huling araw nito ngayong araw.
Patuloy na nakaantabay ang tanggapan at ang hanay ng kapulisan upang matiyak ang maayos na sistema ng Certificate of Candidacy ng mga aspirante sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨