
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala g Pilipinong naapektuhan sa pinakabagong missile at drone attacks sa United Arab Emirates.
Ayon sa DFA, walang direktang sites na tinamaan ng mga bomba sa Dubai, Sharjah, Ajman, Umm Al Quwain, Ras Al Khaimah, o Fujairah.
Sa kabila nito, pinapayuhan ng pamunuan ng Dubai Airports ang mga pasahero na magtungo lamang sa paliparan kapag mayroon nang kumpirmasyon sa departure ang kanilang airlines.
Sa harap pa rin ito ng delay at pagkansela ng flights sa UAE dahil sa temporary partial closure ng UAE airspace.
Samantala, tiniyak naman ng Philippine Consulate General sa Dubai na makakasama na sa repatriation ang 7 Filipino tourists na stranded sa UAE.
Facebook Comments










