𝟯𝟵 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Timbog ang nasa tatlumpo’t-siyam na mga wanted persons sa lalawigan ng Pangasinan mula sa ikinasang police operations sa loob ng isang linggo.

Mula September 29 hanggang October 5, tatlumpung katao ang arestado sa bisa ng mga inihaing warrant of arrest.

Pitong suspek din ang kalaboso mula sa isinagawang buy bust sa usaping ilegal na droga habang mayroong isang nasakote sa usaping illegal gambling at isa rin sa loose firearms.

Patuloy pang pinaigting ng PNP Pangasinan ang aksyon laban sa iba’t-ibang kriminalidad na talamak sa probinsya alinsunod sa adhikaing mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa buong lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments