
Nagpamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng maternity kits sa mga pamilya na sumisilong sa evacuation center ng mga nasunugan ng bahay sa Pinyahan Quezon City.
Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang rollout ng mga maternity kits na kumpleto ng mga gamit at pangangailangan ng mga batang bagong panganak.
Ito ang unang pagkakataon na mamigay ang DSWD ng kits na specialized para sa mga lactating mothers at mga buntis.
Ayon kay Sec. Gatchalian, mahalaga ito dahil mabibigyan ng dignidad ang mga biktima nang anumang sakuna na kalimitan ay wala nang naisalbang mga kagamitan.
Ayon sa kalihim, sa lahat ng DSWD response ay isasama na rin ang maternity kits.
Sa ngayon ay mayroong mahigit 200 pamilya ang nanantili sa evacuation center sa compound ng dating manila seedling bank.
Tatlo sa mga ito ang buntis, 20 ang nagpapa-breast feed, pito ang bagong panganak, 160 ang mga menor-de-edad habang lima naman ang persons with disability.










