Target ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na makapagtanim ng nasa halos apatnapung libong mga coconut seedlings sa probinsiya.
Kasunod ito ng suporta ng lalawigan sa adhikain ng pamahalaan na palawigin pa ang industriya ng niyog ng bansa.
Nasa isang daang milyong binhi ang target naman na maitanim sa 700, 000 na ektaryang lupa sa bansa hanggang sa taong 2028.
Nauna nang naitanim ang dalawang daang binhi sa Eco Tourism Park sa Brgy. Estanza sa bayan ng Lingayen nito lamang August 28.
Samantala, hindi lamang pagpapalakas ng coconut industry ang maitataguyod nito maging ang industriya rin ng asin bilang isa ang Pangasinan sa supplier ng produkto sa buong bansa.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments