𝟰 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗦𝗧 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗔 𝗞𝗔 𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡

 

Cauayan City- Gaganapin ang Una Ka Dito City Hall on Wheels sa apat na Barangay sa Forest Region ngayong araw, ika-14 ng Setyembre taong kasalukuyan sa Brgy. Dianao, Cauayan City, Isabela.

Kabilang sa mga residenteng makakatanggap ng libreng serbisyo ay mula Dianao, Gappal, Linglingay, at Manaoag.

Samantala, ilan sa mga serbisyong ihahatid naman ng LGU Cauayan ay Libreng gamot, medical and dental check-up, Social welfare assistance, Libreng legal services, Libreng estimation of property value, Scholarship assistance, City IDs assistance at marami pang iba.


Upang mabigyan ng mga serbisyo kinakailangan lamang na magdala ng mga kaukulang ID at dokumento katulad ng cedula, barangay clearance at iba pa.

Facebook Comments