𝟱𝟮 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗦𝗦 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗕𝗥𝗔𝗡𝗖𝗛 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗔𝗖𝗘 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰

Sa ikapitong Run Against Contribution Evaders o RACE Operations na isinagawa ng SSS Urdaneta City Branch ngayong 2024, umabot sa 52 employers na kinabilangan ng bayan ng Asingan ang nabisita upang dumaan sa masusing pagpupulong sa tanggapan ukol sa mga natuklasang paglabag sa SSS law.

Pagbabahagi ni SSS Urdaneta City Branch Accounts Management Section CEO II Marcelina Malicdem, sa kabuuang bilang ng nabisitang employers ngayong taon , 33 ang napag-alaman na sangkot sa Non-Remittance at 19 sa mga ito ang may paglabag sa Non-Registration.

Mula naman sa mga naunang operasyon, 24 sa mga employers ang nakapag-ayos na ng kanilang mga violation o paglabag kaya nakakolekta ng P586, 477.75 na delinquency ang tanggapan. Ilan naman ang kasiyahan ng final demand letter at kung susumahin ay abot P2, 267,329.39 ang pagkakautang samantalang ilan naman ang nabigyan ng “referred for final demand letter”na abot P240, 268.82 ang delinquency.

Abot naman sa halagang P1,439, 113.32 ang halaga ng delinquency sa dalawang employer na umabot na sa Legal Department ng ahensya ang nilabag na kaso.

Ang RACE Operations ay isinasagawa ng SSS para sa mga employer na mas mababa sa 100 ang empleyado. Ang kampanyang ito ng Social Security System ay laan para sa mga manggagawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments