CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng hog starter kit mula sa DSWD sa ilalim ng Enhanced Support Services Intervention Project ang tatlumpong (30) benepisyaryo sa bayan ng Tumauini, Isabela.
Kasama ng LGU Tumauini ang kinatawan ng Municipal Administrator, Regional Program Management Office, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Municipal Agriculture Office.
Nakatanggap bawat benepisyaryo ng dalawang biik, tig-isang bag starter, bag grower, bag finisher, isang bag lactating feed, at mga bitamina.
Layunin ng programa na tulungan ang mga benepisyaryo na magkaroon ng mapagkakakitaan o hanap-buhay sa pamamagitan ng paglalaki ng mga baboy.
Facebook Comments