𝟲𝟴𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗦𝗢𝗡

Timbog sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad ang dalawang High Value Target sa bayan ng Sison.

Nakikilala ang mga suspek na isang 53 anyos at 46 anyos na pawang mga residente ng Umingan.

Nahuli ng awtoridad ang dalawa sa bahagi ng Agat-Dungon Road sa Sison kung saan nasamsams ang sampung plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Umabot sa P680, 000 ang tinatayang halaga ng ilegal na droga.

NaHaharap sa kaukulang kaso ang dalawang suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments