CAUAYAN CITY- Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang anim na indibidwal matapos bumaliktad at mawalan ng preno ang sinasakyang trak sa Brgy. Ibujan, San Mariano, Isabela.
Ang naturang trak ay minamaneho ni Jonald Cachuela, 41-anyos, at residente ng nasabing bayan habang lulan din nito ang anim na katao kabilang ang dalawang menor de edad.
Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, ang nasabing trak ay patungo sa bayan karga ang saku-sakong mais at mga biktima kung saan pagdating sa pakurba at pababang bahagi ng kalsada ay nawalan umano ito ng preno dahilan upang bumaliktad ito.
Bilang resulta, nagtamo ng sugat ang anim na sakay ng trak na agad isinugod sa pagamutan habang hindi naman nasakatan ang drayber nito.
Facebook Comments