0.54% NA POLICE PERSONNEL, NATITIRANG BILANG NG HINDI PA NABABAKUNAHAN KONTRA COVID19 MULA SA REGION 1

Aabot na lamang sa 0.54% o katumbas ng higit siyam na libo (9k) ng PNP personnel mula sa Police Regional Office 1 ang hindi nababakunahan kontra COVID-19 hanggang sa ngayon.

Sa isang panayam ay sinabi ni PCapt. Karol Baloco, Regional Public Information Officer na ang natitirang porsyento ng mga pulis na hindi pa nababakunahan ay dahil naman sa kani kanilang iba’t ibang health conditions na kung ay hindi sila maaaring mabigyan pa ng bakuna tulad ng COVID-19 vaccine.

Idinagdag pa nito na ayon sa monitoring ng Regional Medical and Dental Unit ng PRO1 na ang mga Police Personnel na ito ay natukoy na may comorbidities na hindi pa pwedeng maturukan sa ngayon ng mga bakuna at buntis na nasa first trimesters ng mga ito na maituturing namang ‘risky’.


Ang paghikayat naman nito na magpabakuna kontra COVID-19 ay alinsunod sa ilalabas ng PNP ng memorandum na nagbabawal sa kanilang mga tauhang hindi bakunado kontra COVID-19 sa pag-report sa duty batay na rin sa resolution ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Samantala, nabigyan na din ng booster shots ang aabot sa 127 na medical frontliners na PNP personnel at ito lamang din ay paunang bilang at inaasahan namang mabibigyan din ang ilang mga personnel kaugnay sa nagpapatuloy na pagbibigay ng booster shots. | ifmnews

Facebook Comments