22 BARANGAY SA DAGUPAN CITY COVID-19 FREE NA; AKTIBONG KASO NASA 18 NA LAMANG

22

Patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Dagupan.

Base sa latest report ng City Health office mayroon na lamang itong 18 aktibong kaso mula sa siyam (9) na barangay habang 22 ang wala ng aktibong kaso.

Sa kabuuan, nasa 5, 457 na ang kabuuang kaso ng lungsod sa sakit matapos makapagtala ng apat na kaso kahapon ika-5 ng Disyembre.


Nasa 5, 269 ang gumaling at 170 ang nasawi dahil sa sakit.

Puspusan naman ang isinasagawang pagbabakuna sa mga barangay dito upang mabigyan ng proteksyon ang mga Dagupeno laban sa sakit. | ifmnews

Facebook Comments