Bilang ng mga namatay sa sunog sa Pasay, 2 na!

92
COURTESY IB Short | Facebook

Dalawa na ang kumpirmadong nasawi sa sunog kaninang madaling araw sa Tramo St. sa Barangay 143, Pasay City.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga biktima na sina Lynn Ebona, 39 anyos at Cindy Navarro, 29 anyos na natagpuan sa gumuhong bahay nang magsagawa ng clearing operations ang mga bombero.


Tatlo rin sa fire volunteers ang nasugatan nang sumuong sila sa nasusunog na limang palapag na bahay na pag-aari ng isang Jockie Joan Libanan.

Ayon kay FSupt. Jay Bernard Peñas, Hepe ng Pasay BFP, nasa kustodiya na rin ng magulang ang isang batang naunang napaulat na nawawala.

Nagsimulang sumiklab ang sunog pasado alas-5:00 ng umaga at pasado alas-7:00 ng umaga naman nang maapula ang apoy.

Tinatayang aabot sa tatlong daang libong piso ang pinsala ng nasabing sunog kung saan walo hanggang sampung bahay ang nadamay.




Facebook Comments