Matapos ma-defer noong Lunes ay dininig at ipinasa na rin ng Senate Finance Committee ang ₱5.2 billion na 2023 budget ng Commission on Elections (COMELEC).
Sa pagdinig kanina, isa sa mga hiniling ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang dagdag na pondo para sa pagpapatayo ng sariling gusali sa ahensya na aabot sa ₱9.337 billion.
Para sa susunod na taon ay ₱1.5-billion sana ang kanilang hiniling na pondo para sa pagpapatayo ng gusali, pero ₱500-million lang ang inaprubahang alokasyon ng DBM sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP).
Kung magkaroon na aniya ng sariling gusali ang COMELEC ay makakatipid ang ahensya ng mahigit ₱21-billion mula sa pagrerenta ng opisina at mga warehouses.
Sa Kamara ay nadagdagan na sila ng ₱500-million na pondo at umaasa siyang madagdagan na rin ito sa senado.