Middleman sa Percy Lapid killing, patay na ayon sa DOJ

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Sec. Crispin Remulla na patay na ang middleman sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid o Percy Mabasa sa tunay na buhay.

Ayon kay Remulla, noong October 18 dakong alas-3:00 ng hapon namatay si Crisanto ‘Jun’ Palanan Villamor sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Aniya, ang 42 anyos na sinasabing middleman ay namatay sa NBP Hospital.


Sinabi ng kalihim na isinailalim na ng NBI sa autopsy ang labi ng naturang person deprived of liberty (PDL).

Facebook Comments