1.17 milyong dose ng AstraZeneca, darating sa bansa sa Hulyo

Aabot sa 1.17 milyong dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa bansa sa ika-14 ng Hulyo.

Ayon kay Presidential Adviser for Entreprenuership Joey Concepcion, gagamitin ang nasabing suplay ng bakuna sa mga pribadong sektor.

Inaasahan din ang pagdating ng mahigit 1 milyong dose ng AstraZeneca vaccine kada buwan na magaganap mula Setyembre hanggang Enero.


Bukod dito, sinabi rin ni Concepcion na inaasahang darating din ang mga bakunang mula sa Moderna sa Hulyo at Agosto.

Facebook Comments