1, 170 INDIBIDWAL SA LA UNION, NABAKUNAHAN NA NG PFIZER

Nasa higit 50,000 na katao na sa La union ang nabakunahan ng unang dose ng COVID-19 Vaccine matapos maiturok ang 1, 170 na Pfizer Vaccine sa mga residente dito.

Ibinigay ang Pfizer Vaccine sa mga indibidwal na kabilang sa eligible group na nagpabakuna sa isa sa mga mega vaccination site ng probinsya sa Father Burgos Gym St. Louis College.

Nakatakda ding i-roll out ang Pfizer Vaccine sa dalawa pang mega vaccination site na matatagpuan sa Agoo at Bacnotan.


Samantala, 15, 860 naman na ang bilang ng fully vaccinated sa probinsya ng La Union.

Facebook Comments