Community Pantry ng mga Kabataan sa Tuguegarao City, Nagpapatuloy

Cauayan City, Isabela- Hindi pa rin tumitigil ang barangayanihan ng mga residente na pinapangunahan ng mga Sangguniang Kabataan sa barangay Annafunan East sa Tuguegarao City, Cagayan.

Muling nakapaghatid ng tulong ang SK Annafunan East sa pangunguna ni Chairperson Gerlad Valdez katuwang ang Cagelco-1 sa mahigit 50 indibidwal na kinabibilangan ng Solo Parents at Indigent Families.

Labis naman ang pasasalamat ng SK Chairman sa CAGELCO 1 MCO Community Pantry sa pangunguna ni General Manager Engr. Tito R. Lingan at Tuguegarao City Area Manager Lilian Talattad Cacayurin na nakipagtulungan sa paglulunsad ng Community Pantry sa nasabing lugar.


Pinasalamatan din ni Galvez ang kapulisan ng Regional Police Security and Protection Unit 2 dahil sa walang sawang pag-alalay sa mga isinasagawang aktibidades ng mga kabataan.

Facebook Comments