1, 198 KASO NG DENGUE SA ILOCOS REGION, NAITALA

Sumampa na sa 1, 198 ang kaso ng dengue sa Ilocos Region ngayong taon.
Sa inilabas na datos ng Department of Health-Center for Development 1, nangunguna ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinakamaraming kaso ng dengue na mayroong 583, sinusundan ito ng Ilocos Sur – 248, Ilocos Norte- 235 , La Union- 99 at ang Dagupan City na mayroong 33 indibidwal ang tinamaan ng sakit.

Bagamat pinkamarami ang tinamaan ng dengue sa Pangasinan, wala pang naipapaulat na nasawi.

Ang Ilocos Sur at La Union ay nakapagtala ng dalawang nasawi sa sakit at tig isa sa Ilocos Norte at Dagupan City.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 Medical Officer Iv, bagamat mababa ito ng 74. 3% kumpara sa nakalipas na taon , nagpaalala ang kagawaran na gawin ang 4’s kontra dengue

•S- search and destroy breeding sites.Suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng lamok tulad ng alulod ng bahay, timba, paso, plorera
•S- Self-Protection Measures
•S- Seek Early Consultation
•S- Say No to indiscriminate Fogging | ifmnews


Facebook Comments