1.2 bilyong piso, ilalaang pondo sa iba’t ibang programa ng gobyerno na magpapalakas ng MSMEs ayon sa DBM

Aabot sa 1.2 bilyong piso ang ilalaan ng pamahalaan para sa mga programa na magpapaangat ng Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act o GAA.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang mga programang ito ay bahagi ng MSME Development Plan at ang iba ay inisyatibo ng Department of Trade and Industry (DTI).

Layunin aniya nitong ma-promote ang paglakas ng MSMEs; pagtatagtag ng Negosyo Centers; One Town One Product o OTOP Next Gen; at Shared Service Facilities (SSF).


Ito ay sa harap na rin ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy na pondohan ang mga programang tutulong sa pagpapalakas ng MSMEs.

Sa ilalim ng 2023 GAA, 583 milyong piso ay ilalaan sa pagpapatupad ng MSME Development Plan at kahalintulad na mga programa ng pamahalaan.

487 milyong piso naman ay itutulong sa pagbuo ng Negosyo Centers.

Ang OTOP Next Gen naman na isang programa na tumutulong sa MSMEs para mas maging produktibo ay makakatanggap ng pondo na aabot sa 97 milyong piso.

Habang SSF o ang Shared Service Facilities ay makakatanggap ng 80 milyong pisong pondo, 70 milyong piso naman sa ibang expenses at 10 milyong piso ay pondo para sa capital outlays.

Facebook Comments