Proteksyon sa pamilya ng mga suspek sa Degamo killing, pino-proseso na ng DOJ

Inatasan na ni Justice Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla ang Witness Protection Program (WPP) na tulungan ang mga pamilya ng apat naarestong suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Pero nilinaw ni Remulla na hindi pa isinailalim sa WPP ang mga suspek.

Bahagi naman aniya ng WPP ang pagbibigay ng assistance o benepisyo maging sa pamilya ng mga akusado dahil tatayo rin ang mga ito na testigo.


Layon din aniya ng tulong na mas mapadali sa mga akusado ang paglalahad ng kanilang nalalaman sa krimen.

Facebook Comments