1.2 million doses ng COVID-19 vaccines, nagamit na ng Pilipinas

Aabot sa higit 1.2 million doses ng COVID-19 vaccines ang nagamit sa Pilipinas.

Base sa bagong vaccine statistics bulletin ng Department of Health (DOH) at National Task Force agains COVID-19 (NTF), nasa 1,255,716 ang nagamit mula sa 3,025,600 doses na dumating sa bansa.

Kabuoang 1,093,651 ang nakakuha ng first shot, at 162,065 individuals ang nakatanggap ng second dose.


Ang seven-day average ng daily vaccinated individuals ay nasa 47,545 na pinakamataas na naitala sa ngayon.

Facebook Comments