Aabot sa $1.3 billion US Dollar business pledges ang nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula sa limang araw na official visit sa Washington.
Sa post visit report ng pangulo sa Washington D.C., sinabi nitong nangangahulugan 6,700 na bagong trabaho sa Pilipinas ang maibibigay ng mga bagong investment pledges.
Sabi ng pangulo, ang mga bagong investment ay makatutulong para makarekober ang ekonomiya ng Pilipinas na una nang pinadapa ng pandemya na COVID-19.
Sinabi pa ng pangulo, umaasa siyang mas marami pang amerikanong negosyante ang ma-eenganyo na maglagak ng negosyo sa Pilipinas.
Nakatutuwa aniya, patuloy na lumalakas ang tiwala at kumpiyansa ng mga negosyante na gawing investment destination ang Pilipinas.
Matatandaang ilang amerikanong kompanya ang nangakong magnenegosyo sa Pilipinas.
Ilan dito ay ang kompanyang vaccine manufacturer na Moderna, BPO company at iba pa.