Halos 10,000 bakanteng trabaho, iniaalok sa Mega Job Fair ng Malabon PESO

All set na ang isasagawang Mega Job Fair ng lokal na pamahalaan ng Malabon.

Ito’y sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) ng Malabon LGU katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho.

Sa impormasyon kay Malabon PESO Manager Luziel Balajadia, nasa 9,587 ns job vacancies ang iniaalok sa kanilang job fair kung saan nasa 40 hanggang 50 kompanya ang kanilang inimbitahan.


Isasagawa ang Mega Job Fair sa Malabon Sports Center mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Bukas ang job fair para sa mga:
– Working Student
– Undergraduate/ Bachelor’s Degree Holder
– Senior Citizens
– Persons with Disabilities
– Displaced Overseas Filipino Workers

Pinapayuhan ang lahat na magdala ng maraming kopya ng resume at sariling ballpen.

Magsuot ng angkop na kasuotan at ihanda ang sarili para sa posibleng interview sa employer.

Facebook Comments