Target ng Department of Education Region 1 na makapag-enroll ang 1. 3 milyong mag-aaral para sa taong 2022-2023.
Sa datos ng DepEd Region 1, ngayong araw, August 5, 2022, nakapagtala na ng 738, 212 na enrollees sa buong Region 1.
Sa nasabing bilang na ito, 43, 205 na Kindergarten, 315,268 sa Elementarya, 215,694 na Junior High School at 126,045 para sa Senior High School.
Sa isang panayam sinabi ni Cesar Bucsit ang DepEd Region 1, Information Officer, paglilinaw na ang nasabing target ay base sa bilang ng mga enrollees sa nakalipas na school year.
Tiwala naman si Bucsit, na makakamit ang nasabing target habang papalapit nang papalapit ang pasukan dahil sa pagpapaigting ng information dissemination ng kagawaran at pakikipag ugnayan nito sa mga lokal na pamahalaan sa panghihikayat sa mga magulang na ienroll ang kanilang mga anak.
Sinabi ng opisyal na tuloy na tuloy ang isasagawang blended learning mula August 22 hanggang October 31 at pagsapit ng Nobyembre doon lamang iimplementa ang full face-to-face classes. | ifmnews
Facebook Comments