Ilang bansa, tumulong na sa pag-apula ng nasusunog na oil tank farm sa Cuba

71

Tumulong na rin ang Mexico at Venezuela sa pag-apula sa nasusunog na oil storage facility sa Cuba.

Matatandaang noong Biyernes nang tamaan ng kidlat ang isa sa walong storage tanks ng Cuba sa Matanzas super tanker port habang Sabado nang magliyab ang ikalawang tangke.

Aabot sa 100 ang nasugatan kabilang ang mga bumberong rumeresponde sa sunog habang 16 na indibidwal ang nawawala.


Habang inaapula ang apoy sa pangalawang oil tanker, patuloy ring binubuhusan ng tubig ang ikatlong tangke dahil sa pangambang ito ay sumabog din.

Samantala, araw-araw nakararanas ng blackout at fuel shortage ang Cuba dahil sa insidente.

Facebook Comments