Umabot na sa 58% o 1. 3 milyong Pangasinense ang fully vaccinated, ayon sa Provincial Health Office ng Pangasinan.
Sinabi Dra. Anna Ma. Teresa De Guzman, patuloy ang pagtaas ang vaccination rate ng probinsiya dahil mayroong kumpiyansa ang mga ito sa bakuna na nagbibigay ng proteksyon at kaligtasan.
1.7 milyong katao naman ang nabigyan ng unang dose ng bakuna o 78% ng eligible population.
Sinisiguro ni De Guzman na mayroong sapat na bakuna para sa mga nagnanais na mabigyan ng COVID-19 Vaccine.
Muli naman itong nagpaalala na sumunod sa health protocols at iwasan ang pagdalo sa malakihang pagtitipon dahil sa banta ng Omicron Variant.
Isa ring dahilan ang mataas na vaccination rate kung bakit patuloy sa pagbaba ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa probinsiya. | ifmnews
Facebook Comments