1.3 milyong piso, kinita ng mga nakiisa sa Balik Eskuwela diskuwento sa caravan sa Bataan

Bataan, Philippines – Umabot sa mahigit 1.3 milyon piso ang kinita ng mga trader at exhibitor na lumahok, sa balik eskwela diskuwento caravan na inorganisa ng DTI sa Bataan.

Ayon kay Lelin Cabahog, seventey-three participants’ ang nakiisa sa naturang trade fair na nagbigay ng sampung porsiyentong discount sa mga school supplies, uniporme, sapatos, bags at iba pang mga kagamitan.

Layon ng naturang programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamimili na makilala ang mga produkto ng Bataan.
DZXL558, Mike Cigaral


Facebook Comments