Phil. Army sa Bicol region, naka-red alert na kaugnay sa martial law sa Mindanao

Bicol, Philippines – Itinaas ng ngayon ng 9th infantry division ng Philippine Army ang red alert status matapos itong ipag-utos ni Major Gen. Manolito P. Orense.

Ito ang kumpirmasyon sa panayam mismo sa DZXL Radyo Mo Nationwide ni Capt. Ed Lunar, division spokesperson ng AFP sa Bicol.

Ito ay bunsod na rin sa open free ang mga lalawigan na dahilan para maging diversionary tactic ng mga kalaban mula sa Mindanao.


Kaugnay nito, nakataas na ang alerto sa mga tauhan hanggang sa pananatili ng martial law sa Mindanao.

Naniniwala naman ang Philippine Army na maayos din ang lahat sa pamamagitan lamang ng pakikipagtulungan at pagdarasal ng bawat mamamayan sa bansa.
DZXL558, Leo Barcellano

Facebook Comments